Home » Archives » 10. October 2008
Thinking Twice Is A Must
October 10, 2008May lumapit sa akin kanina na ka-opisina… and nagulat ako sa tanong nya dahil una, di kami close. pangalawa, di naman kami nagchi-chikahan. She asked me kung gaano ka-accurate ang Pregnancy Test Kit na nabibili sa suking tindahan. Medyo kita ko sa mata nya ang takot, kaba at panghihinayang. Base sa experience ko, never pumalya ang mga pregnancy test kit na binili ko sa tatlong magkakaiba na branch ng Watsons at dalawang magkaibang branch ng Mercury Drug Store (uu! ganun ako kapraning!). Tangina talaga yung kaba ko nung first time ako mabuntis. Anyweiz, sabi ko sa kanya na 90% na accurate yung mga test. Tinanong ko sya kung na-miss ba nya ang period nya and sabi nya 2 months na daw sya na di nagkaron…so sa loob-loob ko “ALAM NA!” pero syempre di ko pinahalata. Sabi ko na lang sa kanya na magpatingin na sya sa OB para sure sya. Nagpasama sya sa OB ko, so pinapili ko sya kung sa Makati Med or sa Chinese Gen. Makati Med na lang daw… so sabado, may lakad na ako. Pupunta kami sa Makati Med at magpapatingin…maghahanda na rin ako ng sampung box ng tissue at ang calling card ng hitman na kakilala ko saka-sakaling gusto nya papatay (or pagulpi na lang kung mahal nya) yung nakabuntis sa kanya….di ko na pala tinanong kung sino possible na tatay kasi wala na ako dun and honestly wala ako pakielam kung sino mang hunghang na lalake naka-jontis sa kanya. ang business ko lang eh samahan sya sa OB. bow.

The little pink plus sign is so unholy.
-Juno Macguff
Have you watched Juno? Those clever lines and going through pregnancy when you’re a teenager. I’m not sure if we have ads in the paper about parents looking for babies to be adopted…what i know is that mothers who cannot live with their babies for whatever reason - either leave them on the entrance door of a church, throw them in the garbage and leave it there to die, or throw them out the window up on the roof like that news some months agao….really brutal…or maybe just get over it and have an abortion.
I was 23 when I got pregnant. I had my own job, own place and a real nice boyfriend…pretty much living the life that i want BUT i was so not ready to be a mom. Sobrang gumuho mundo ko na kahit comedy palabas sa cable, umiiyak pa rin ako. I never thought of getting an abortion dahil takot ako at kawawa naman si baby ko dahil ala naman sya kasalanan tapos tsutsugihin ko sya. I am sooooo afraid of commitment and I am so bad when it comes to relationships. Love ko naman si Ivantot pero di lang talaga ako ready. Super rollercoaster ang emotions ko noon and I was never stable even after the wedding and giving birth… then i took a loooong hard look at myself and where I’m at… and i almost kicked myself because of how stupid and selfish I was that I didn’t realize how lucky and blessed I am to have a great and wonderful family….kailangan talaga bumagyo muna bago mo marealize yung ganda ng sunshine… i mean, kung palalakihin ko anak ko ng walang tatay at magbo-boypren pa ako ng ibang tao tapos mabubuntis ako ng ibang lalake parang di naman ako pinalaki ng mga magulang na walang value sa family…kung di ko naman itinuloy pagbubuntis ko noon…saan namang direksyon ako pupunta??? gimik gabi-gabi? gala sa kung saan-saan? tapos pagkatapos nun…ano na? tapos gabi-gabi iiyak din ako dahil nagawa ko magpa-abort… ka-baliw kaya yun! I have always been asking myself “what am i living for?? what is the purpose of this life?” and having a family really placed me where I should be and I’m loving every moment of it. ika nga ni Nicole Richie - “Loves It!”


