blehdey!

October 25, 2008



 sooo nag-birthday ako nung 23 … sa kasayahang palad magkagalit kami ng asawa ko … wait… ako lang pala ang galit dahil sa isang bagay na tingin nya eh hindi big deal pero sa akin sing-laki ng tore babel yung nangyari… pero syempre considering na sensitib at praning ako …so malamang nga di big deal yun…mabuti na lang pasensyoso sya at naiiintindihan nya ang lukaret nyang misis…ako yun.

eh di yun nga, nag-birthday ako … sabi ko punta ako baclaran church para naman magpugay ng pasasalamat kay Papa Jesus…. pala-dasal ako pero di ako pala-simba. feeling ko kasi sa simbahan scripted lahat … uu, ganun ako ka-praning. mabalik tayo, yun nga - so paalam ko sa amin eh magbabaclaran lang ako … habang nasa ep-ex papuntang lawton naisip ko bakit di na lang sa quiapo church para makapag-wish ako …kasi may nakapagsabi sa akin noon na pag first time mo sa isang simbahan pede ka mag-wish at matutupad sya! so off i went to the land of pamparegla potions and magical anting-antings!

Medyo first time ko pumunta magisa kasi last time kasama ko si husbandry kasi yung tita nya nagpasama dun sa bilihan ng beads para sa mga accesories … so medyo familiar ako sa lugar… sabi ko sa sarili ko “bahala na si batman”. Dalawa yung way na naisip ko papunta sa Quiapo ..

1. Baba Baclaran - sakay LRT - Baba Carriedo - Lakad at magtanong-tanong sa paligid-ligid kung paano makarating sa Quiapo church
2. Baba Lawton - Sakay Taxi - Baba Quaipo Church

Sabi ko…kung yung una ang gagawin ko ang laaaayooo ng lalakarin ko papuntang LRT - Baclaran station tapos antagal ko tatayo sa loob ng LRT …baka siksikan pa! Kung yung pangalawa naman eh baka uminit lang ang ulo ko sa manong drayber ng taxi dahil malamang magagantso nanaman ako sa metro nila (suki kasi ako ng mga taxi na madadaya ang metro) …. so ang ginawa ko na lang … bumaba ako ng lawton tapos naglakad papunta Central-LRT station (tae sa layo meyn!)…sumakay ng LRT (super aircon at di siksikan!) bumaba ako sa Carriedo (which is one station away from Central ..parang nang-hinayang ako sa dose pesos na binayaran ko pero keri lang)  at nagtanong-tanong sa mga security guard ng Isetann at SM Clearance Mall kung saan ang Quiapo church … Nung naglalakad ako sa may Manila city hall papunta sa central station para ako nagkaron ng libreng trip to memory lane! Naalala ko yung college days at mga kalokohan kasama ang mga friends from hayskul at new friends from college … napapangiti ako sa mga naalala ko na naglalakad ako na parang nasa low budget movie ang tema..medyo napapatingin yung mga nakakasalubong pero ala ako paki kasi bertdey ko! Nadaanan ko yung binibilhan ng mga beads and naisip ko na since 9am palang mahaba pa oras ko at di naman nagmamadali umalis si Jesus (baka nga nag aalmusal pa sya) so sabi ko “maya na lang ako punta quiapo church tingin lang ako ng beads”  take note…TINGIN hindi BILI … pero syempre walang pumigil sa akin kaya napagastos ako ng 2k sa mga materials para sa paggawa ng anik-anik! Naisip ko “bertdey ko kaya wala naman siguro aangal sa bahay pag nakita mga binili ko” Nyehehehe!

Yung nadaanan ko papunta sa simbahan eh parang palengke … nakakatuwa kasi ang titingkad ng kulay ng mga gulay doon! as in walang bahid ng putik!

 
photos from photos.camperspoint.com

Di naman ako mahilig sa gulay (tinalo pa ako ng anak ko) kaya walang appeal sa akin mga tingkad ng kulay nila. Natunton ko na yung talagang pakay ko … ang Quiapo Church…


photo from my_sarisari_store.typepad.com

so ayun..dasal-dasal para sa sarili at sa mga mahal sa buhay … tanong-tanong kung bakit kailangan nya kunin agad tatay ko … at syempre wish-wish ng malupet ko na wish! kung ano yun … sa akin na lang yun! :D

pagkatapos nun eh umuwi na ako at pagdating ko sa bahay eh nakipagbati na ako kay ivantot at nakipagkulitan sa mga chikiting … syempre may bonggang handaan ng carbonara at buffalo wings galing flaming wings! Na-enjoy ko naman ang bertdey ko kumpara sa mga nakaraan ko na birthday, Natanda na ako … madami pa pede mangyari!

Posted by quityourcry at 9:44 am | permalink

Previous Comments

Hala! Belated Happy Bertdey!

Ako rin, ayaw ko ng gulay, dahil nung maliit ako, ako ang pinagpapalengke ng nanay ko sa Cubao, o di kaya sa Bicutan, di bagay sa imahe ko na macho, na may bitbit na plastic ng kamatis, sibuyas, patatas at kung ano ano pa.

Hehehe.

Posted by virus at October 25, 2008, 7:20 pm

hahaha! napakanta naman ako ng “macho macho ka! di mo ba alam na macho ka hhhh!” ng Parokya ni Edgar! salamat sa pagbati! itaas ang bandera ng anti-gulay! oust gulay! (pwera sa mga bata!)

Posted by quityourcry at October 28, 2008, 3:52 pm

The Baclaran Phenomenon is, first and foremost, the incredible number of people who come to the Redemptorist Church in Baclaran every Wednesday to make the Perpetual Novena to Our Mother of Perpetual Help. It is estimated that at least 100,000 devotees come on regular Wednesdays, reaching about 120,000 on the First Wednesday of each month. The biggest turnout of the year is on Ash Wednesday. The crowd for that day simply defies estimate.

Baclaran Church Official Website

Posted by baclaran church at December 23, 2009, 5:52 am

Add a comment








     

October 2008
M T W T F S S
    Nov »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

smeekpeek

i love rain in the afternoon. bedroom talks. dirty ice cream. laughter from a silly joke. morning buzz. butterflies. twilight. believing there is hope. making something out of nothing. evening stars. calm after a big fight. wind blowing on my face and messing up my hair. staring at my life. moving backwards. honesty between the lies.

ChichiChat

virus:

so this is where you went. Hmmm, looking forward to more fictitious stories. :)

support:

Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.

support:

Hi! Your shoutbox is working fine!

Leave a message ▼