Home » Archives » October 2009
adik lang
October 28, 2009bakit ba mahilig tayo mag emote? kahit ok naman lahat parang kulang parin. talaga bang ganun ang mga adik? adik sa sakit sa ulo. adik sa sakit sa katawan. adik sa pag-iyak. adik sa ka-emo-han. adik sa pagkalito. adik sa katangahan.
siguro nga bored lang ako sa buhay. di na ako bata. marami ako pwede magawa. pwede ako lumipad ng nakabaliktad. pwede ako sumaway sa kanta ni marian rivera. pwede ako kumendeng patagilid. pwede ako tumalon ng mataas at abutin mga pangarap ko sa buhay.
pangarap ko sa buhay eh simple lang. bahay sa ayala alabang. tatlong kotse. bahay-bakasyunan sa tagaytay at palawan. tatlong business na mapapamana ko sa mga anak ko. helicopter na pink. helipad na yellow at yate na red. yun lang naman eh. simple lang.
nagtaka pa ako kung bakit parang kulang ang buhay ko eh lintik sa taas ng langit ang mga pangarap ko. ika nga ni jay ng kamikazee …libre lang mangarap. so … mangarap na lang tayo. mangarap tayo ng masaya. mangarap tayo na magkasama tayo sa hirap at ginhawa at sana pagdating ng panahon. pag na realize ni lord na deserving naman tayo… lumambot ang puso nya at pagbigyan tayo sa lahat ng mga pinaapangarap natin
at the end of the day..
October 26, 2009hindi sa lahat ng bagay maniniwala ako. mahirap na masaktan bandang huli. konti lang naman pagkatanga ko kahit papano.
ayun na nga.
October 25, 20096 months na walang update. maraming nangyari. maraming nabago. pero andito pa rin ako nakatengga sa kawalan ng mundo. may masaya. may masakit. may malungkot. mostly malungkot. pero hindi na bago yun. naisip ko na balik na lang ako sa pagbabasa ng libro. at least walang nasasaktan pag nakaupo lang ako at nagbabasa ng libro.


