Home » Page 6
let me put my guard down
November 10, 2008you come to a point in your life when you feel like what you have done is not enough and you want more… so much more that you wear yourself out and you break…. but you can’t show the people around you that you are broken because you don’t want them to feel your pain. you act as if everything is fine and everything is going smoothly but in reality you want to jump off a cliff and let everything go … in reality you don’t want to care… in reality you want to disappear… then when you see the one you truly love you snap out of it and come back down to earth … for what? for who? that is the question i always ask myself whenever reality check is the headline of my day…. “for them” of course that’s the answer i ought to say…. it’s the only answer i should say…it’s the only answer i am allowed to say. everyday i feel like im trapped in a bubble with no air. i am trapped inside my own prison of circus clowns. I. CAN’T. TAKE. IT. …. tomorrow will be different but at the end of it… it will just be the same.
i have to breathe and smile and wear my dirty and worn out smile. that’s all there is. that’s all there would ever be.
i don’t know why i put up with everyone’s crap… including my own…. i guess that’s what my existence spell out. what does that even mean…. I. DON’T KNOW.

when this is over. when things have fallen to their places. I will turn my back and find my place. find our place.
tugshtingshiwaw
November 1, 2008malakas ang kutob ko na ginagago na tayo ng gobyerno. nyehehehe!!! tinginang tax yan! tumataginting na apat na libo! yung 33% ng pinagpuyatan ko at pinaghirapan kitain eh napupunta sa mga lintik na kurakot na politician… oh well, as if naman may mapupuntahan yung pagbibitsesa ko dito.
Nakasalubong ko kanina yung isang “trainer” dito na talaga namang nuknukan ng yabang at mahilig sa pit-na-fit na damit! ngani-ngani ko na itanong kung nakakahinga pa ba sya sa blouse nya.
Nakakatamad iskedyul ko kasi 3:30am pasok ko … yung asawa ko 8:30pm … KAMUSTA NAMAN! di na tuloy kami nakakapagtsismisan…pero medyo mahimbing tulog ko kasi wala ako katabi na umuurok
nyehehehe!
panalo ata si Obama… mukhang malaki epekto nito sa callcenter.
blehdey!
October 25, 2008
sooo nag-birthday ako nung 23 … sa kasayahang palad magkagalit kami ng asawa ko … wait… ako lang pala ang galit dahil sa isang bagay na tingin nya eh hindi big deal pero sa akin sing-laki ng tore babel yung nangyari… pero syempre considering na sensitib at praning ako …so malamang nga di big deal yun…mabuti na lang pasensyoso sya at naiiintindihan nya ang lukaret nyang misis…ako yun.
eh di yun nga, nag-birthday ako … sabi ko punta ako baclaran church para naman magpugay ng pasasalamat kay Papa Jesus…. pala-dasal ako pero di ako pala-simba. feeling ko kasi sa simbahan scripted lahat … uu, ganun ako ka-praning. mabalik tayo, yun nga - so paalam ko sa amin eh magbabaclaran lang ako … habang nasa ep-ex papuntang lawton naisip ko bakit di na lang sa quiapo church para makapag-wish ako …kasi may nakapagsabi sa akin noon na pag first time mo sa isang simbahan pede ka mag-wish at matutupad sya! so off i went to the land of pamparegla potions and magical anting-antings!
maiksing usapan
October 22, 2008napapagod na ako kakasagot ng mga tanong ng mga taong naku-curious sa tattoo ko sa kaliwang braso … lagi na lang! as in parehong-pareho mga tanong nila at parehong-pareho lang din ang sagot ko
halimbawa
Ibang Tao: ay ano yan (turo sa braso ko) totoo ba yan?
Ako: oo (nakangiti)
Ibang Tao: talaga! tingin nga (sabay walang pakundangang hawak sa braso ko)
Ako: nakangiti lang
Ibang Tao: Ano nakalagay? (lalapitan ng tingin sabay lalayo yung tingin sa tattoo - ambrigram kasi kaya di maintindihan)
Ako: eighteen
Ibang Tao: aaah..bakit eighteen?
Ako: number namin mag-asawa. meron din asawa ko sa binti parehas ng design
Ibang Tao: aaah talaga. galing ah. san ka nagpatattoo?
Ako: Sa Glorietta
Ibang Tao: san dun?
Ako: basta dun (naiirita na)
Ibang Tao: Ako rin gusto ko magpalagay eh kiyeme-kiyeme achu-chu-chu
Ako: Ah (nag-iisip na ako pano um-exit or pano ibahin yung topic)
So kanina, nasa mood ako makipagkulitan
Ibang tao: Uy! ano yan? (tingin sa braso ko) totoo yan?
Ako: Hindi. henna lang.
Ibang tao: Ah (sabay tingin sa iba)
Natuwa ako kasi di na sya nang-usisa. so sinubukan ko ulit kanina nung may tanong nanaman
Ibang tao: ano yan? (tingin sa braso ko)
Ako: Henna
Ibang tao: ah. galing ah. (sabay tingin sa computer)
Oh deva! mas maiksi ang usapan kung sabihin ko na henna lang sya. di naman sa nagsusuplada ako pero ayaw ko kasi ng attention lalo na kung personal na bagay pag-uusapan.
Thinking Twice Is A Must
October 10, 2008May lumapit sa akin kanina na ka-opisina… and nagulat ako sa tanong nya dahil una, di kami close. pangalawa, di naman kami nagchi-chikahan. She asked me kung gaano ka-accurate ang Pregnancy Test Kit na nabibili sa suking tindahan. Medyo kita ko sa mata nya ang takot, kaba at panghihinayang. Base sa experience ko, never pumalya ang mga pregnancy test kit na binili ko sa tatlong magkakaiba na branch ng Watsons at dalawang magkaibang branch ng Mercury Drug Store (uu! ganun ako kapraning!). Tangina talaga yung kaba ko nung first time ako mabuntis. Anyweiz, sabi ko sa kanya na 90% na accurate yung mga test. Tinanong ko sya kung na-miss ba nya ang period nya and sabi nya 2 months na daw sya na di nagkaron…so sa loob-loob ko “ALAM NA!” pero syempre di ko pinahalata. Sabi ko na lang sa kanya na magpatingin na sya sa OB para sure sya. Nagpasama sya sa OB ko, so pinapili ko sya kung sa Makati Med or sa Chinese Gen. Makati Med na lang daw… so sabado, may lakad na ako. Pupunta kami sa Makati Med at magpapatingin…maghahanda na rin ako ng sampung box ng tissue at ang calling card ng hitman na kakilala ko saka-sakaling gusto nya papatay (or pagulpi na lang kung mahal nya) yung nakabuntis sa kanya….di ko na pala tinanong kung sino possible na tatay kasi wala na ako dun and honestly wala ako pakielam kung sino mang hunghang na lalake naka-jontis sa kanya. ang business ko lang eh samahan sya sa OB. bow.

The little pink plus sign is so unholy.
-Juno Macguff
Have you watched Juno? Those clever lines and going through pregnancy when you’re a teenager. I’m not sure if we have ads in the paper about parents looking for babies to be adopted…what i know is that mothers who cannot live with their babies for whatever reason - either leave them on the entrance door of a church, throw them in the garbage and leave it there to die, or throw them out the window up on the roof like that news some months agao….really brutal…or maybe just get over it and have an abortion.
I was 23 when I got pregnant. I had my own job, own place and a real nice boyfriend…pretty much living the life that i want BUT i was so not ready to be a mom. Sobrang gumuho mundo ko na kahit comedy palabas sa cable, umiiyak pa rin ako. I never thought of getting an abortion dahil takot ako at kawawa naman si baby ko dahil ala naman sya kasalanan tapos tsutsugihin ko sya. I am sooooo afraid of commitment and I am so bad when it comes to relationships. Love ko naman si Ivantot pero di lang talaga ako ready. Super rollercoaster ang emotions ko noon and I was never stable even after the wedding and giving birth… then i took a loooong hard look at myself and where I’m at… and i almost kicked myself because of how stupid and selfish I was that I didn’t realize how lucky and blessed I am to have a great and wonderful family….kailangan talaga bumagyo muna bago mo marealize yung ganda ng sunshine… i mean, kung palalakihin ko anak ko ng walang tatay at magbo-boypren pa ako ng ibang tao tapos mabubuntis ako ng ibang lalake parang di naman ako pinalaki ng mga magulang na walang value sa family…kung di ko naman itinuloy pagbubuntis ko noon…saan namang direksyon ako pupunta??? gimik gabi-gabi? gala sa kung saan-saan? tapos pagkatapos nun…ano na? tapos gabi-gabi iiyak din ako dahil nagawa ko magpa-abort… ka-baliw kaya yun! I have always been asking myself “what am i living for?? what is the purpose of this life?” and having a family really placed me where I should be and I’m loving every moment of it. ika nga ni Nicole Richie - “Loves It!”


